Single

Sunog


Sunog
Gloc-9
2024

Chorus:
Sunog
Kailangan kong makalabas dito
Makapal na’ng usok sa dapat na madaanan ko
Sunog
Kaya pa bang makawala dito?
Nagbabaga na’ng kandado ng lahat ng mga pinto

Verse 1:
Binuhat ko ang sofa
(Binuhat ko)
Pasan-pasan ko ang ref
(Ba’t ang bigat nito?)
Binalikan ko ang TV
(Inipit sa kilikili)
Lahat ng mga damit
(Lahat lahat lahat lahat)

Verse 2:
Dibdib na kumakaba
(Lumalagabog)
Mata ko na masakit
(Sunog na sunog)
Hininga na pinipigil
(Utang na loob)
Pa’no makakabalik?
(Bahala na si Batman)

Pre-Chorus:
Nailabas ko na’ng lahat ng saki’y mahalaga
Bakit ako’y ‘di nagtataka kung nasaan ka na?

Chorus:
Sunog
Kailangan kong makalabas dito
Makapal na'ng usok sa dapat na madaanan ko

Verse 3:
Dumadami na'ng mga miron
Kasi lumalaki na rin ang apoy
Kaso may nakaparadang pison
Nakaharang at hindi maitaboy
Nakatulala sa tabing na basa
'Di ko inakala na ang ganito'y
Nakakadala at walang magawa
Kinakausap nila pero ako'y
Puno man ng paso ay tila manhid
Sa natuklasan ko sa aming silid
Nang buksan ang pintuang nakapinid
Biglang ang mga luha ko’y nangilid
Nasa mga bisig na sya ng iba
Ang isip ko ay ‘di nagdalawa
Nagbabagang galit aking initsa
Sa sunog na ‘to ay kayo ang mitsa

Chorus:
Sunog
Kailangan kong makalabas dito
Makapal na’ng usok sa dapat na madaanan ko
Sunog
Kaya pa bang makawala dito?
Nagbabaga na’ng kandado ng lahat ng mga pinto

Outro:
Sunog
Kailangan kong makalabas dito
Makapal na’ng usok sa dapat na madaanan ko
Sunog
Kaya pa bang makawala dito?
Nagbabaga na kandado ‘yan ay kasalanan mo
(Sunog)



OTHER LYRICS

Lagpasan

Lagpasan
Mhot
2013 Single

7000 Miles (feat. Ann One)

CIRCA91
Ruby Ibarra
2017 Album

Rent Money (feat. Rocky Rivera)

...One Rifle Per Family
Bambu
2012 Album

Up Down (Step & Walk)

DU4LI7Y
Ez Mil
2022 Album

Headshot (Hev Abi)

Sakred Boy
Hev Abi
2022 Album

FEATURED ARTICLES