Album

Sandali


Heartbreak SZN
Because
Producer: NEXXFRIDAY
2018

Hook (2x):

Gusto kita na mapasakin, kahit na mali

Katabi ka ng matagal at di lang ngayong gabi

Hiling ko sana'y matupad ako'y di na mapakali

Gawin nating lagi nakaw nating sandali

 

Verse 1:

Magkadantay ang ating paa, habang ikaw ay nakatalikod

Ubos enerhiya nating dalawa, alam kong di mo kaya na malimot

Madilim ang kwarto parang disco, naaaninag lang ay yong anino

Kamay ko'y nilibot ang yong katawan, na para bang ika'y nagpapahilot

Kasama sa kama, dati kong pinapantasya

Yuh, bakante na lote, sinamantalang pumarada

Meron bang nagmamayari, ng yong damdamin

Kung ganon di bali, ako'y aamin na

Ikaw lang ang pipiliin kesa sa kanila

Di ito panandalian lang

Handa kong manatili, ibigay buong sarili sa iyo

Di ito panandalian lang, hahayaan kang pumili, isipin ng maigi kasi...

 

Repeat hook

 

Verse 2:

Di ko inasahan na, sayo rin pala ko mahuhulog

Durog ko na puso, iyong pinulot, kahit mabubog

Sabihin man ng ibang ako'y ahas, lang pakialam, sayo lang pupulupot

Baha ng pagibig, lagpas na ulo, di na makatukod, tayo'y nalulunod na

Silid ay mausok, aking medisina sayo nakaturok

Lalawayan ang bawat parte mo habang katabi, at baka mausog pa

Alam ko namang kasalanan na ipanalangin na ika'y mapasakin

Di totoo na mas madali ka na mahuli kapag nakatali subalit

Di ito panandalian lang

Handa kong manatili, ibigay buong sarili sa iyo

Di ito panandalian lang, hahayaan kang pumili, isipin ng maigi kasi...

 

Repeat hook



OTHER LYRICS

Background (feat. Ann One)

CIRCA91
Ruby Ibarra
2017 Album

julie pakipot

bahay namin maliit lamang
Hev Abi
2024 Album

I KNOW (feat. Mcee Zabala)

PAUTANG NG PAG-IBIG
Hev Abi
2022 Album

Beyond Measure

For My Daydream Dalliance
Serenata
2017 Album

What Matters Is It Does Not

Self-Help, The Checkup
Omega and skinxbones
2016 Album

FEATURED ARTICLES