Album

Padalaw (Harana Rap)


Ghetto Celebs
Urban Flow
Producer: DJ Arbie Won
1998

Verse 1:

Padalaw naman sa bahay niyo

Gusto kong masilayan ang pulang puso mo

Di ako mahihiya handa akong tumaya

Buong-buo ang loob ko humarap sa iyo

Lalung-lalu na sa magulang mo

Alam mong matagal ko nang gusto ito

Gabi-gabi ika'y dadalawin ko

Rosas na mabango ang kasama ko

Kahit ako'y abutin ng hatinggabi

Masaya ako basta ika'y katabi

Giliw ko, mahal ko

 

Chorus (2x):

Mahal buksan mo ang pintuan

Ako ay papasok sa inyong tahanan

Ito ang pasalubong ko sayo

Chocolate at rosas na galing sa puso ko

 

Verse 2:

O giliw ko, o sinta ko buksan mo na ang pintuan

Ako ay papasok sa iyong kalooban

Ang puso mo, o kay ganda

Ang puso mo, o kay sarap

Ang tanging naramdaman

Ako'y parang nasa ulap

Kumukuti-kutitap ang iyong kagandahan

Puso ko'y humihiyaw na walang pakundangan

Di alam ang gagawin, isip ko'y nalilito

Kapag ika'y nakaharap

Ako'y iyong napahinto

Sa salitang sasabihin, lagi ako'y nabibitin

Ako'y nawawala dahil sayong mga tingin

Ngunit ngayon dapat mo nang

Dapat mo nang marinig

Diyan sa puso mo'y ika'y aking iniibig

 

Repeat chorus (5x)



OTHER LYRICS

Valkyrie

Strange Weather in Manila
Kensa
2023 Album

Subok Lang

Subok Lang
Gloc-9
2024 Single

Inlove With That Bitch

Inlove With That Bitch
Skusta Clee
2015 Single

De Kwatro Shake

Chillin' Credit Mixtape
Ives Presko
2013 Album

Whachuknobout

Hue For Ya
Sica
2021 Album

FEATURED ARTICLES