Album

Nvkvkvzvwv


Kvpxt Lvng Zv Pvtvlxm EP
Ce$ar Montana
Producer: Mocksmile
2017

Verse 1:

Sawa na ako sa puro kalokohan

Panay kabobohan pinaguusapan

Sa dami ng sinabi

Walang masagot sa mga katanungan

Tawagan niyo ako pagnagkaalaman

May hangganan ang katangahan

Bawal dumaan sa tarangkahan

Hindi lahat ng nagiinit ay nagbabaga

Tangina sunog na yung pinaplantsa

Madaling mabangga sa puro ratsada

Sunugin ang pluma at lumang parirala

Gamitin ang utak konting paalala

Huwad na pakisama

Maling dapat lang itama

 

Hook:

Puro tamang hinala

Mga kagaguhang nakakabahala

Walang kwentang mga paanyaya

Para umangat gamit pandaraya

Nakakasawa

 

Verse 2:

Huwag niyo kong idamay

Parehas ng problema

Iba ang tumalakay

Iba ang tumulong sa nakikiramay

Kawaykaway sa nakikisakay

Sa puri lang kayo bumabatay

Tanga lang ang laging nakikisabay

Makikita ang tunay pagkakinatay

Huwag kang humanay

Mabilis umangat pag nagbago ng kulay

Pataasan ng ihi pataasan ng kilay

Saya niyo ngayon

Huwag kayong masanay

Sa unang bulong ko nagsisimula ang ingay

Puro tamang hinala

Mga kagaguhang nakakabahala

Walang kwentang mga paanyaya

Para umangat gamit pandaraya

Nakakasawa

 

Repeat hook



OTHER LYRICS

On The Run (Intro)

Carpe Diem
Skarm
2018 Album

Alastress

8:01 EP
Because
2017 Album

Yayo

Sun Of A Gun
Bambu
2013 Album

Lagi (feat. Al James)

Lagi
Gloc-9
2018 Single

Kuya Jake

Supplier Mixtape
Bugoy na Koykoy
2014 Album

FEATURED ARTICLES