Album

Caligula


Ikugan
Calix
Producer: Serena DC
2018

Mga lintang nag babalat kayo, di bibitaw 'gang maubos ang dugo mo

Di bibitaw gang makuha ang lahat sayo (mga parasitiko)

Suot nila ang salitang kaibigan

Bubulungan, lalasunin ang isipan

Akala mo parte ka na ng kapatiran, tignan mo pag inalog ang salaan

Isa-isa lahat sila ay nahuhulog

Pagka sindi ng mitsa, mga tulay agad nasunog

Mas masakit pa sa pag-kain ng bubog, tila ba sinaksak ka sa pagkatulog

Kay sakit isipin na akala mo nakahanap ka ng kakampi sa giyera na 'to

Pero oras na susugod ka't sa linya mauna, baril nila ay nakatutok na sa likod mo

Mga putang ina niyo, sana di nalang kayo sumama

Sanay ako mag isa, wag niyo na ako bigyan ng pagasa

Ramdam ko ang iyong pasan, pero yung akin ba iyong naramdaman?

Nung kinuha mo mula sa bisig ko ang mundo, natuwa ka bang ako'y pagtawanan?

Nag panggap na liwanag apoy mula sa nasusunog na bangkay ni Hudas

Isang pagkakamali, na hindi ko na amoy ng paguugali mo, Hudas

Pag-babayarin kita balang araw, kaya ko naman mag hintay

Patataasin ang interes, magugulat ka nalang it's pay back time

 

Ito'y banta sa katulad mo

Siguraduhin mong lumayo

Kung noon ika'y naka lusot

Mag-isip ka na ngayon

Ito'y banta sa katulad mo

Siguraduhin mong lumayo

Kung noon ika'y naka lusot

Mag-isip ka na ngayon



OTHER LYRICS

Sindihan

1001
CLR
2022 Album

BETTER THAN MONEY

WEYAAT?
Waiian
2023 Album

LSS

Ala Una
Apekz
2017 Album

All On Me

So Help Me God Vol. 1
Karencitta
2016 Album

Executive Order

The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
2017 Album

FEATURED ARTICLES