Single

Broke 2 Ballin'


Broke 2 Ballin'
Paul N Ballin & Playboy Baby
Producer: Kid Chucky
2023

Intro:
Sa kabila ng mga pinagdaanan
Nanindigan sa mga lumalaban
Buti na lang di nagpasira, yeah
Yung dating naiwan

Chorus (Paul N Ballin):
Sa kabila ng mga pinagdaanan
Nandito pa rin ako't nakatayo
Nanindigan sa buhay ko at lumaban
Nakarating ako sa di ko paghinto
Buti na lang di nagpasira
Naging matalino sa mga tukso
Yung dating naiwan
Kumikinang ngayon na parang ginto

Verse 1 (Paul N Ballin):
Sa lawak ng gusto ko na maging ako (Maging ako)
Sa sarili merong gustong patunayan
Di na babalik sa panahon ng pagkatalo
Kabiguan ginawa kong hagdanan
Ginamit ko ang puso nung mga panahong
Wala na 'kong masisilungan at palaging gutom
Palipat-lipat minsan ay walang laman ang bulsa
Sinampal ng katotohanang may pangarap ka pa
Gawin mong inspirasyon ang kahirapan
Ayan lang ang ituring mong kalaban
Magpayaman nang walang tinatapakan
Magbubunga nang di mo namamalayan
Mga sana noon, nangyayari na ngayon
Nagpangako sa sariling di 'to bibitaw sa hamon
Mangarap ka lang, mangarap ka lang

Repeat chorus

Verse 2 (Playboy Baby):
Mula nung natulak ang sarili't gumaling
Sa kahinaan eh di nagpasya na bumalik
Nang mapatunayan na para sa'kin 'to
Mga ayaw sa akin no'n, sa paa ko nagkusang humalik
Mga blessing sa'min palapit nang palapit
Nagpapahinga na ngayon sa kwartong malamig
Nagsisipag lagi sa hilig, sinusulat sa mga blankong pahina
Mga gusto namin makamit (Yeah, I'm good)
Nandito na ngayon yung dating tinawanan
Bumyahe nang walang inaapakan
Nakaharap sa salamin, sarili ang kalaban
Natuto sa'ming mga dinaanan

Repeat chorus

Outro (Paul N Ballin):
Yung dating naiwan
Yung dating naiwan
Yung dating naiwan
Kumikinang ngayon na parang ginto



Paul N Ballin & Playboy Baby - Broke 2 Ballin' (2023):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

King Of The Swamp Rats

Excrising A Demon | Article I | A Few Left
Bambu
2018 Album

Arthur Morgan

INDOORS
Rjay Ty
2022 Album

PUGON

Nightmare On 66
Bawal Clan
2019 Album

HI-808

OOF! EP
Blue Scholars
2009 Album

Soul Eater

Soul Eater
Plazma
2014 Single

FEATURED ARTICLES