Single

22


22
Tatz Maven
Producer: Tatz Maven
2020

Verse 1:
Ilang taon hanggang ngayon
Abay nakatitig pa rin ako sayo
Bawat ikot ng mundo
Ay siya ring paghinto
Ng aking pag-aalangan
Kung dapat kong ipagpatuloy
Ang mga bagay-bagay na nasa aking isip
At kung tama pa bang ipagpatuloy ang aking panaginip
Dati isa ka lamang panaginip
Dati isa ka lamang panaginip
Na nagkatotoo
Tinanggal mo ang sana sa sana totoo
At nadatnan kitang hindi pa buo
Pero wag mag-alala kasi ganun din ako
Na naghahanap ng kasagutan sa patlang
Wag mo ng punan sapat ng diyan ka lang
Sa aking tabi hanggang gabi
At sabay nating mahalin ating sarili

Chorus:
Di makapaniwala na umabot sa ganito
Handa ka na bang maniwala
Sa mga bagay na nagpapatunay
Tayo ngang dalawa (2x)

Verse 2:
Ilang taon hanggang ngayon
Kahit maraming beses na tayo muntikang mabaon
Sa mga pagsubok na
Ayaw mo na ayaw ko na
Itigil na itigil na itigil na
Ngunit ayaw ko tong matapos
Ako'y naniniwala na kaya tong mairaos
Sana ganun ka rin
Sana mga sana ay muling mong burahin
Ipagpatuloy natin ang lahat
Kahit nagbago ang disenyo
Minsan man ako'y naging susi ng iyong impyerno
Ika'y anghel ako'y demonyo
Ika'y demonyo ako'y anghel
At ito'y parte lang ng lebel
Para maitama magpalitan ng papel
Nang maintindihan natin ang isa't isa
Kasi tayo ang sagot sa tanong nating dalawa

Repeat chorus (4x)



OTHER LYRICS

Simmer

Third Culture Kid
NINNO
2016 Album

Plazma vs KJap (Plazma's Rounds)

FlipTop presents: Grain Assault 7
Various Emcees
2016 Rap Battle Verses

Murderous Material

Post Mortem Ambush
MurderDeathKill
2014 Album

Pinaka True

Hi Haters EP
Hero of Nopetsallowed
2017 Album

So Pinoy (Bonus Track)

SickSongsOnly EP
aero.
2009 Album

FEATURED ARTICLES